balik tanaw

ala idol-bob ong-naalala ku kasi

nursery

cory bilang isang batang sinamahan ng tatay sa isang montesorri para mag take ng entrance exam: IQ test un, piliin ang mga magkakaparehong hugis, wag isama ang naiiba

dito aku natutong makipag kaibigan sa mga batang maraming towel sa likod at may baong orange juice-hindi pa aku nanghihingi ng baon kasi may sarili akung baon,,at dala dala pa un lagi ni papa

sa panahong ito, isa lang pangarap ko. maging guro katulad ni papa.

kinder 1& 2

cory bilang best friend cousin: dahil marunong na akung magsulat ng alphabet nakakagawa na aku ng letter para kay che,,at marunong na din sumakit ang ulo ku sa mga reply na walang masyadong kwento,,haha,

napapadala ku ang aking letter via sa aking papa, pag pumupunta sya sa pasay dala dala nya ang aking liham kasaysayan kay che at pagbalik nya ay may dala na syang reply sa 4-piece 5x5 size ng stationery


prep

cory bilang barkada: kahit marami na akong kakilala sa aming school, di ku sila masyado nakakakwentuhan kasi nakabantay si papa sa labas,,dapat akung makinig kay titser. kaya naman wala akong choice kundi makipagfriends sa aking mga kapitbahay-sina jovieleen, may-may at ron-ron turon

dito aku natutong mahumaling sa ninja, mangarap maging ninja, maglaro ng piko, maging idol si power ranger yellow, sumumpa sa taas ng bangin, maglaro ng bahay-bahayan, magtago sa abandonadong bahay, maglaro ng shato at sumigaw sa buong street hanggang kaya ng aking boses, mandiri sa tae ng kambing na madalas sa basketball court, makipaglaro ng paper doll sa kapitbahay na nakatira sa ikatlong street mula samin, mangako sa isang kaibigan na magiging super hero kami balang araw, makapagpa brown out dahil sa karate moves-at mapabalik ng kuryente dahil din sa karate moves, mamiss ang aking best friend at maghintay sa pagdating ni papa


grade 1

cory bilang totong estudyante na nagkakamali: hindi aku matalino sa klase ku, naalala ku pa pinagtawanan aku sa class kasi mali ang basa ku sa english ng buto-bones.

dito ku nakilala ang mga classmates ku na may common denominator-may kras kay ferdie. natatandaan ku lang 2 sila eh, may isang sobrang ganda-kikay na bata at isang morena. ang alam ku lang galit sila sa isa pa naming classmate na mapayat na mahaba ang hair na kulot kasi lagi sya nagpapacute kay ferdie. dati pa lang uso na ang mean girls,,san na kaya un mga un?

grade 2

cory bilang balik bayan: from novaliches bumalik na kami sa pasay dahil nahihirapan si papa sa byahe from work. kaya naman sa pasay ku na tinuloy ang aking pag-aaral, pinakamasayang part at pinakamalungkot.

malungkot kasi di ku na makikita sina jovie, may-may at ron-ron.

masaya dahil magkakasama na kami ulet ni cheche

unang araw sa school nagkaroon na ng parent's meeting,,,balisa aku nun..kasi

kasi umiiyak na din aku kasi...

wala pa si papa,,,

pero tumahan aku nung tumakbo papunta ng room ang aking pinsan at sinabing padating na si papa...

at di aku nabigo kasi dumating sya at may dala pa syang toblerone

sabi pa ni papa kay mam: "sorry ms, katakutan, i'm late"

binulong ku kay papa na, "papa mali po,, ms. matakot po ang name nya"

sa baitang na ito aku nagsimula maging bully-sa guys-matapang at walang inaatrasan, kung takot sila kay mam mas lalo ata sakin kasi naalala ku umiyak si luisito dahil inaway ku sya

kasabay ku lagi si che-che pag-uwi, isa sa mga masasayang sandali sa aking pagiging bagong estudyante sa elementarya


grade 3

cory bilang negosyante: nagtitinda aku ng banana que samin sabay nagpapaending sa mga kapitbahay, nakikipagtrade din aku ng teks at tansan sa aking mga kalaro, nagiipon ng mga mungo-a.k.a mata ng pusa sa bakod nila intsik, umaakyat sa pader ng bahay nila intsik, teacher's pet-taga bili ng bopis ni mam velasco sa may katabing street ng school at taga deliver at taga pick-up ng uniform na pinatahi nya-dun din sa katabing street ng school.

dito ku nakilala si margie ang aking best friend sa elementary kaso isang taon lang un kasi lumipat na sya ng school, hindi nagwork ang aming long distance relationship, hindi umubra ang letters...

naging active din aku sa drum and lyre band-pinakabatang majorette

naging active din sa church choir-pinakabatang choir sa org

nakikinuod din sa tv ng kapitbahay at dumadalaw sa bahay nila mam pingol para makinig ng bible verse of the day

first time ku naospital at nagkaroon ng 3 stitches sa ulo

first time ku nagka-crush sa isang friend na taga-pampanga, kalaro ku lang sya sa volleyball tpaos un, sabi ku ay crush ku sya.hehehe

grade 4

cory bilang class president: napunta na aku sa star section at tuwang-tuwa si mam pingol sakin na aming adviser kasi matagal nya na aku sinasabihan na: "cory pagbutihin mu pag-aaral mu ha, para maging student kita"

sa sobrang tuwa nya ginawa tuloy akong president ng class kahit di ku kilala ang mga classmates ku, lakas ng campaign manager eh

dahil jan naging instrument aku para isumbong ang isang titser na madalas magpadala sa amin ng mga imported goods,,lalo na chocolates,,hay, aun,,talsik na ata sya,.,

dito ku naging close kina mari- ang aking tinuring na baby, kaso wala na din balita kasi lumipat di sya ng school, at si go, ung kaibigan ku na nagkadengue at maagang kinuha sa aming lahat, hindi hindi ku makakalimutan ung araw na nalaman namin ung balita, buong klase ay umiiyak, pinagdasal namin ang kaluluwa ni go.

pinagdasala din namin ang paggaling nila roselyn at laurice kasi nung time na un may dengue din sila

natapos ang taon na masaya na din lahat..nakapasok na kasi ulit sina roselyn...

grade 5

cory bilang lyre member: haha, graduate na sa pagiging majorette, lyre naman.
start na din maging active sa girl scout kaya naging super friends kila kc, roselyn, laurice, nagel, kat2, marj, joanna at asuncion. ka-buddy ku din sina jaypee at dominic at dominico.

sumali sa quiz bee kasama si joana, naging photographer at writer sa school paper.

unang beses nakahawak ng pc, umattend nga mga bazaar sa iba't-ibang schools.

nalungkot dahil lumipat na sila che ng bahay sa cavite

first time naging katekista-main cathechist kaya nakakakaba,

maraming natutunan sa pagiging batang guro


grade 6

cory bilang sikat:
isa sa mga hindi ko malilimutang yugto sa elementarya, Dito ko naranasang maging sikat. Oo. Sikat ako!

Nagkaroon ng contest ang isa sa pinakamalalaking broadcasting network sa bansa. Ang entry ko ang isa sa mga mapapalad na nabunot. Noon pa man, nasabi na sakin nila mama na madalas nga akong mabunot sa mga ganyang klase ng contest. At isa ngang patunay ang pagkakapili sa entry ko tungkol sa 'Pinaka-mabilis na hayop, ang Cheetah'

Ang layunin noon ng contest ay ang pumili ng mga entry na naglalaman ng mga trivia tungkol sa kahit anong bagay at isa nga ako sa napili. Isang magandang karanasan ito para sakin dahil nakapagsalita ako sa loob mismo ang news room at narinig iyon sa radyo at nakausap ang isa sa pinaka batikang announcer sa bansa. Dahil dito ninais kong maging isang broadcaster.

--Makalipas ang ilang taon--

cory bilang guro:

Comments

  1. Wow! Parang nagkaron ako ng 10mins tour sa buhay ng batang Cory. Nakakatuwa! Ang daming kong nadiscover about you! Akalain mong naging bully ka pala?! Ang for some reason, gusto kong mabasa yung entry mo about sa pinaka mabilis na hayop. hehe! Super nice blog, umma!

    ReplyDelete
  2. Thank you egi :) I got the entry from an encyclopedia that I borrowed from our neighbor, you see, we didn't have much money to buy really good books such as encyclopedia...and yan lang ang research tool na ginamit ko dati, di pa ako marunong magresearch over the net. ahah! Yung actual airing sa radio ay ni-record naman ni mama sa cassette tape.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts